THE PARTY: 2NE1 LIVE IN MANILA!

Monday, June 6, 2011 2:50 PM


2 days na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi padin ako maka-getover sa show ng 2NE1 nung June 4, 2011, Saturday sa Araneta Coliseum. Napanood ko magperform ng LIVE sina CL, BOM, MINZY, at ang pinakamamahal kong si SANDARA PARK.

Si Yel yung unang pumunta dito sa house mga bandang 10:30am. Plano kasi 11am kami aalis, kaso si Zhai 11:30 na daw makakapunta dahil nagkaroon daw ng something sa bahay nila. Kaya hinintay na namin siya dito sa house. Umalis kami mga quarter to 12nn. Nag-FX kami papuntang LRT Station.

Grabe ang traffic. 1 hour na kami sa FX di pa kami nakakarating sa LRT Station. Pero di naman boring kase busy kaming tatlo sa chikahan e, laughtrip sa likod ng FX. Ang ingay namin, haha! Pagdating namin sa station, may mga lalake sa likod namin, binanggit pangalan ni Sandara, tinginan kaming tatlo eh. XD Mukhang makiki-party din yung mga kasunod naming mga lalake.

Kaso nakakaimbyerna. Sinusundan kami ng tingin nung mga lalake. Hanggang sa paghihintay ng tren hinahabol kami ng tingin. Nakakairita! Buti nalang pagbaba namin sa Araneta station nawala na sa paningin namin yung mga lalakeng yun. HAHA. Tapos muntik pa kami maligaw kung pano palabas. HAHAHA. Buti may matanda na nagtuturo samin kung saan yung daan palabas. Ang bait talaga. :D

Pagpasok na pagpasok pa namin ng Gateway, nakakita kagad kami ng malaking poster ng The Party. Shet! Hindi pinalagpas e! Kahit andaming dumadaan gora lang sa pictures e. =)))))

Dumeretso na kami sa Araneta Coliseum para makabili na ng ticket si Yel, kasi wala pa siyang ticket. Tapos kumain kami sa Mang Inasal. Hirap tanggalin nung stick. Wala kasi si Babe para tanggalin yun para sakin eh, siya lagi nagtatanggal nung stick pag kumakain kami sa Mang Inasal. :( Okay tama na. HAHAHA.

Sumaglit kami sa KPOP Fiesta. Ang onti lang ng mga merch. Bumili si Zhai ng Lanyard ng 2NE1 na may kasamang bag. Si Yel naman, bunny ears na umiilaw-ilaw. Wala kasing lightstick na tinitinda sa labas. Meron nga, yung napakamahal naman, 400. Haha. Pati pala yung tag na may name ni Bom bumili din si Yel. After nun pumila na kami. Pagdating namin sa pila may mga naka-pila na. Nung bago kasi bumili ng ticket si Yel wala pang naka-pila. Pero di pa naman masyadong madami kaya ayus lang din kami sa pila. Tapos bumili muna si Yel ng mga tubig namin, kami ni Zhai yung naiwan sa pila.

Siguro mga 3 hours kaming nasa pila. Wala, tambay, soundtrip, kwentuhan, kain. Pagdating ng 5pm nagtayuan na, edi na-excite naman kami kasi akala namin papasok na. Hindi pa pala. Sabi nung guard 5:30 daw magpapapasok. Hindi naman. 5:30 kamo binuksan yung gates. HAHA. Mga 10 mins. before 6pm tsaka kami pinapasok. Nung una sabay-sabay kami pumasok sa iisang entrance, yun pala may iba-ibang entrance yun. Bwiset. Umikot pa ko ng pagka-layo-layo para hanapin yung entrance ko. Pagpasok ko sa loob, buti nahanap ko kagad yung upuan na naka-reserve para sakin. Tinawagan agad ako ni Zhai, nahiwalay daw si Yel. Katapat na katapat ko si Zhai pero sa kabilang ibayo siya. Haha! Si Haloi at Ate Hayanna nakita ko din, Upper B pero gitnang gitna. Ang swerte! Pero yung pwesto ko kahit gilid lang, ang lapit na! Solve na solve na ko. E siguro mga isang oras at kalahati pa bago napuno yung Araneta at nagstart yung mga front acts.

Yung unang front act, babae yung vocalist. Tapos hindi ko kilala yung banda nila. So hindi ko pinansin. Tapos kumanta si Christian Bautista. Puro love songs kinanta niya. Nakaka-inlove. Tas yung sumunod, tumugtog yung Can't Nobody! Tapos may umangat sa stage, katulad ng costume ni Dara! Pagharap, impersonator pala! Mabaliw-baliw na ko kakatili kase akala ko yun na yun, i Giselle Sanchez lang pala. =))))) Pero infairness natawa kami sa mga comedy lines niya. Nakaka-entertain naman. After nya, The Bloomfields naman nagperform. Then Callalily. Tapos pinaka-last yung Philippine All-Stars. Hindi pa tapos sumayaw yung Phil. All-Stars, alam ko na kagad na 2NE1 na yung next. Kasi nakita ko nakalubog na yung apat na ano sa stage, yung maglilift sa kanila. Basta yun. Pag-exit ng Phil. All-Stars, ayan na namatay na lahat ng ilaw. Tapos eto na ang pinaka-nakakamatay na intro! Puro ganun lang, siguro 15mins. na ganon! Walang pinapakita sa screen, puro iba-ibang lights lang, tapos sound effects. Ang tagal, grabe. Sigawan na ng 2NE1 yung audience, winawagayway na lahat ng light sticks.

Rainbow Sea. <3


Biglang nagplay sa screen yung iba't ibang videos ng 2NE1, na signal ng pagstart na ng show. Then opened the show with their debut song "Fire". Nagpakilala sila isa-isa, starting with the english introduction of CL, then Bom's AKO SI BOM, Dara's SI SANDARA TO! NAMISS NYO BA AKO? AKO DIN MISS NA MISS KO NA KAYO! And lastly, Minzy's AKO SI MINZY MAGANDANG GABI! Then they performed "Go Away" na lalong nagpa-party sa audience. Kahit ako nagtatatalon eh. :)) Tapos umalis sila Dara at Bom, natira sila CL and Minzy, nagperform sila ng "Please Don't Go". Kahit walang back-ups, they totally rocked the stage! Hindi na nila talaga kailangan ng backups. Ang astig! After nung song, nag-intro si Dara ng "Etong next song na to, balita ko #1 daw to ngayon sa Myx? Sabayan nyo kami kung alam niyo ang kantang to." Then they performed "Lonely". Sobrang ang sarap pakinggan ng live nila nito. After ng song, nag-signal si Dara dun sa tatlo na umalis na muna sa stage, 'coz it's her turn! Nag-intro ulit siya ng "Pwede ba ko kumanta?" Kinanta niya yung very famous song niya na "In or Out" nung nandito pa siya dati sa Pinas. Sing-along din lahat ng audience sa kanya. Pagbalik nung tatlo, kinanta naman nila yung "Can't Nobody". Nagkaron na ng mga paputok, kaya kinabahan ako. Akala ko tapos na. Umalis na sila ng stage.

Then bigla nagsalita si CL.
"Do you want some MORE?"
"Are you ready to CLAP YOUR HANDS?"
Hala sige! Tilian na naman ang mga audience. Syempre pati ako. HAHAHA. Nagperform sila ng "Clap Your Hands". Sing-along ulet! Party ulet! Tapos next yung "I Don't Care", last song nila.

Sobrang bitin ako talaga. Nung pauwi na kami, hanggang sa FX, ang iingay namin. Kasama na namin sila Haloi at Ate Yana. Hanggang dun sobrang kwentuhan kami.



...at hanggang ngayon hindi padin kami maka-getover sa mga nangyari. Laman ng mga wall namin sa FB puro performances at alaala ng THE PARTY. =)))))))))

Eto ang ilan sa mga pictures!






0 lovely notes

ENROLLED. :)

Wednesday, May 18, 2011 6:49 PM


Yay! Nakapag-enroll na ko sa UE kahapon. :D Ang saya lang! Nung natanggap ko na yung schedule ko, bigla ako na-excite mag-college. :)

Mga 7 AM na yata kami nakaalis. Or lagpas 7 na. Nakarating kami sa UE mga 9 yata or lagpas na din. XD Pero actually hindi muna kami dumeretso ni Kuya sa UE. Pumunta muna kami sa tabi nun. Sa JOLLIBEE. :D Soooobrang gutom na kasi kami! Wala pa kaming almusal umalis na kami. Kaya hayun, pagdating sa Jollibee, hala sige kain. XD Shanghai Rolls kinain ko tapos si Kuya hotdog. Ayus, solve eh. :D

Pagpasok namin sa loob, inabot ko na yung mga kulang ko. Akala ko naalala ako nung lalake na yun kase yun din yung pinag-abutan ko ng requirements ko dati. Hindi pala. Haha. Tapos ayun tinanong niya kung naka-hold na daw ba yung sakin, sabi ko opo. Tapos pumasok na siya sa loob ng office para kunin yung files ko. Akala ko, yung files ko naka-compile pa. Yung as in sama-sama pa yung report card ko, birth certificate at kung anu-ano pa. Nagulat ako kase paglabas niya, isang papel nalang hawak niya. Tapos naka-print na! Andun na yung pangalan ko, nakalagay na rin yung sched ko. Pati yung mga bayarin. Takteeee~ Nung nabasa ko talaga yun bigla talaga ako na-excite! Natuwa din ako kasi nakuha ko yung morning slot na pina-reserve ko. Ayun nga lang eh 7:30am ang unang klase ko. Pero mas ayos na yun. Kesa naman 6pm ang tapos ng klase ko diba?

Edi yun pagkaabot nung papel ko na yun, binigyan na kami ng instructions kung ano nang next steps. Sabi, diretso daw kami sa cashier para magbayad. Then after magbayad, magpakuha na daw ako para sa ID picture, tapos akyat sa 2nd floor para sa uniform. Ayoss! Welcome college ako. :D

Naalala ko pa kung saan kami nagbayad nung entrance exam, eh nakita din namin ang dami ding tao sa part na yun. Kaya ayun dun kami nagpunta. Tapos inabutan kami ng guard ng papel. Basta kelangan fill-up-an para dire-diretso na pagdating sa cashier. Edi ayun sinagutan muna namin. Tungkol sa enrollment ganun, tapos kung magkano, pati name at student number ko. Pagkabigay namin nun dire-diretso na. Nakapagbayad na kami tapos kinabit na yung resibo dun sa papel nung sched ko.

Tapos hinanap na namin kung saan magpapa-picture para sa ID. Malapit lang pala sa entrance. Ako lang mag-isa pumasok kasi nagpa-iwan si Kuya sa labas. Pagpasok ko may naunang lalake na magpa-picture. Para din pala sa PUP yung pagpicture nila, sa computer lang. Tapos nung ako na, ayos-ayos lang ng kaunti sa buhok tapos smile na. Tapos pirma dun sa ewan ko kung ano yun. XD Kaso nung pumirma ako, kinalabas ng pirma ko parang pang-Grade 1. XD Promise! Pano kase di ko makita yung sinulat ko, kaya ayun ang baboy. :)) Pero dibale, ayus na yun. Hahaha.

Dumeretso na kami sa taas para sa uniform. Ang daming tao, ang daming bumibili. Nakakita ako ng isang student na suot yung bagong uniform na yun. Natawa lang ako bigla kase nakita ko na yung malaking ribbon. :)) Nung ako na, sinukatan pa ko. Tapos small lang yung blouse na nakuha ko. Both skirt at pants din ang kinuha ko. Akala ko makukuha ko na kagad yung uniform, yun pala babalikan pa next week. GRRR. Kaya ayun. Eto pala, post ko yung uniform. :D


Ayus ba? Hehe. Ayun, after nun umalis na kami. Nagpunta kami sa Robinsons Metro East para manood ng Fast & Furious 5. Ang astig lang talaga sobra! Puro barilan. Basta astig! Wala akong masabe. Sana pala pinanood ko yun simula pa part 1, para mas naintindihan ko. HAHAHA.



At nga pala, bago ko tapusin ang post na ito, share ko lang din yung School ID ko. :)

I AM NOW A CERTIFIED UE STUDENT, BABY! :D

0 lovely notes

A boring Sunday.

Sunday, May 15, 2011 7:12 PM


Hmm. Wala naman ako masyadong nagawa ngayong araw. As usual, computer all day long. Haha.

Nagising ako mga 9:30 yata or 10 am. Pero di pa ko bumangon kasi nakakatamad. :D Kaya ayun dun muna ako sa kwarto ko, higa lang. Tinatry matulog ulit. Pero di na ko nakatulog kase napaka-inet.

Bumangon ako mga 11 am. Paglabas ko ng kwarto, si Kuya nagbibihis na sa kwarto nya, papasok na kasi siya. Tapos may inabot siya sakin na kwintas. Galing sa kanyang GF. :"> Sige ako na kilig. Kasi hindi pa daw yun nagagamit ng GF niya. Kaka-touch lang. :"> Hoping to see her soon. :D

Eh sakto pagbaba ko walang gumagamit ng pc. :D Edi upo kagad. Check FB, Twitter, Tumblr. Daming accounts e. Haha. Tapos mga bandang 11:30 hinanda ko na yung lunch namin ni Papa, kasi si Kuya pumasok na. Ala Brasa yung manok. Basta ewan. Sakto lang naman. Ang masarap lang yung sarsa. Yung manok parang ordinaryo lang. Haha. Sa Chooks-to-Go padin ako. Masarap kahit walang sauce. Okay endorsement?! HAHAHA.

After ko kumain, naghugas na ko ng pinggan, tapos nagcomputer na kagad ako. Di ko katext si Babe kasi hindi daw siya unli. Kaya computer lang ako. Tapos bago umalis si Papa, ang daming utos. Kaya ayun sunod muna ako. Pagka-alis niya. Computer ulit. HAHAHA.

Wala akong ginawa kundi mag-FB, manood sa YouTube at maglaro sa GrabAGold. Gusto ko kasi manalo ng load, at ng kahit na anong gadgets. Haha. Kaso fail e, ang bagal ng internet namin. Kaya halos di rin ako nakapaglaro. Nilibang ko lang sarili ko sa YouTube kakapanood ng SNSD videos.

Nagtext na si Babe, ayun natulog pala siya. Magkatext na kami habang nanonood ako. Sayang di ako makakanood ng game nila ngayon, ang layo kasi ng venue. Sana nandun ako para suportahan siya. :( Pero okay lang yan, may tiwala ako sa kanya. Alam kong kaya niya yun at alam kong gagalingan niya. Hihihi. :">

Naligo ako mga 5pm na. Tas natapos ng 6pm. HAHAHA. Ganyan ako katagal maligo pag walang lakad or walang pasok. Tapos nagsaing na ko. Tapos nagdilig ng halaman. Then diretso na naman dito sa computer. Hahaha. Ano ba naman yan. :)

Sa Tuesday mag-eenroll na ko sa UE. Sana naman matuloy na! Parang tatlo or apat na beses ata ako naudlot mag-enroll. Naku naku. Sana this time matuloy na. :D

0 lovely notes

I'm still alive. xD

1:44 PM


Wala lang. Trip ko lang mag-update. Haha! Nakakamiss din pala mag-blog. Pero nakakatamad. :D Pag may maganda na kong nai-post, tsaka ko to i-uupdate. :D

0 lovely notes

Polytechnic University of the Philippines

Wednesday, December 8, 2010 8:17 AM


Hindi ako nakapag - post about sa exam ko nung 1st day, nandito kasi sa bahay si Kuya nun kaya di ako nakapagcomputer. Kaya WARNING: LONG POST AHEAD. Hahahaha!

Kahapon yung 2nd day ng exam namin. Filipino, AP, at Physics ang exam. Nakakainis kasi, sa Filipino, kung ano pa yung mga enumeration na mahahaba na hindi ko nireview, yun pa yung mga lumabas sa exam. Nakakainis! Tapos sa AP naman, kahit multiple choice na lahat, ang hirap parin! Kasi hindi malaman kung ano yung tamang sagot dun sa choices. Buti na lang sa Physics, hindi masyadong mahirap. Na - keri ko, at dun lang ako kampante sa mga exam kahapon.

Kahapon din kami nagpunta sa PUP ni Sarah para kumuha ng Test Permit namin para sa PUPCET. Grabeng experience talaga kahapon! Di ko makakalimutan.

After ng exams, umuwi kagad ako kasi isasabay ako ni Sarah sa service nya. Ayun nagbihis lang ako dito sa bahay tapos umalis na rin ako. Nung andun na kami sa bahay nila Sarah, pinakain kami ng Mama nya. Adobo yung ulam. Sarap. :) Tapos umalis na rin kami kagad dun, commute lang kami. Nag - jeep kami papuntang Meralco. Akala ko nga, LRT. Kasi yun yung alam kong way ng papunta dun. Eh wala naman akong magagawa kasi yung Mama nya yung masusunod. Kaya quiet na lang ako.

Pagdating namin sa Meralco, sumakay naman kami ng bus. Ay grabe lang talaga. Puno ang bus! Standing ovation kami nung una. Haha! Pero nakahanap din naman kagad ng mauupuan, kasi nagbabaan na rin karamihan nung dumating na kami sa Robinson.

Nung nakababa na kami ng bus, di pa namin alam kung saan talaga papuntang PUP. Umakyat pa kami sa overpass, tapos nagtanong kami sa guard pagbaba namin. Dun daw sa may riles ng tren, mas malapit. Edi pumunta kami dun. Eh squatters area na pala dun. Tinawagan nung Mama ni Sarah yung asawa niya, kung paano nga ang way. Wag daw kami dun sa riles, kasi kukuyugin daw kami nung mga tao dun at baka daw kung ano pang mangyari samin. Edi balik kami kagad. Ang layo pa ng nilakad namin bago kami nakarating sa PUP. Tapos yung bago yung entrance ng PUP, ang daming tindahan. Nakakatuwa, kasi ang dami ring estudyante. Mga naglalabasan na yung iba. Ganun din yung feeling ko nung nakakita ako ng mga estudyante nung nasa UST kami dati. Parang bigla ako na - excite sa buhay college? Haha. Ayun.

Pagpasok namin sa PUP, naligaw pa kami kung saan yung Administration and Registration Office. Buti na lang may mga guard kaming napagtanungan. Pagdating namin dun, tae, sobrang haba ng pila! Badtrip kami pareho ni Sarah. Pero no choice, kelangang pumila.

Hindi naman pala ganun katagal yung pila, kasi umuusad naman. Pero mga 30mins. siguro kaming nakapila. Di naman kami masyado nainip ni Sarah kasi nagkkwentuhan din kami. Ayun. Nung pagpasok namin, madami palang pwedeng pilahan para mag - asikaso ng Test Permit mo. Nung una dun kami pumila sa malapit nang matapos, kaso lalake yung nandun. Ayaw daw ni Sarah sa lalake kasi nakakatakot daw. Edi lumipat kami sa kabila. Pinagalitan pa kami nung lalakeng dumaan samin, bat daw kami lipat ng lipat. Dedma lang kami. Haha!

Ayun, nung ako na, picture agad. Pangit pa ng kuha ko. Tapos binigay na sakin yung permit ko. Takte! Feb. 20, 2011! Badtrip! Eh yung mga kaklase ko kasi, Jan. 30 sila. Akala pa man din namin ni Sarah, Jan. 30 din kami! Kakainis talaga. Pero buti na lang, same date kami ni Sarah. Same time din at same room. Nakuntento na din kami dun. Kaso baka daw tumama yung date na yun sa alis nila sa February. Pag nagkataon, ako lang mag - isa. Huhu! Wag naman sana! :(

Sabi ni Sarah sa Mama niya, tambay daw muna kami sa SM Sta. Mesa. Ayun, ayos. Nagugutom na rin kasi ako. Haha! Ayun, pagdating namin sa SM, sa Foodcourt agad kami dumeretso. Trip ko nga mag - kanin nun. Sabi ni Sarah, magkakanin daw sila. Dun sa may Paotsin ata yun? Edi sumama ako. Eh kaso, di ko trip yung mga ulam dun. Asian kasi. Buti na lang may katabing stall yun, may Palabok. Edi nag - Palabok ako. Haha! Tapos may Buko Juice, bumili din ako nun. Eh pagbalik namin dun sa upuan namin, may tindahan pala ng Buko Juice na malapit samin. Eh mas masarap pamandin dun. Nabadtrip tuloy ako. Haha. Tapos yung Palabok na binili ko, ang onti lang pala. Sauce lang at yung mga sahog ang napakarami. Pero ok na rin, nabusog naman ako.

Eh nakakita pa ko ng ice scramble. Syempre di ko pinalagpas yun. Bumili ako, haha! Sarap! Tapos pag - upo namin dun sa pwesto namin, takte, nakaamoy naman ako ng pizza. Nung maubos ko yung ice scramble, bumili naman ako ng pizza. Haha! Grabe lang talaga yung katakawan ko kahapon. Hahaha!

Ayun after nun, pinakita nila sakin yung 4D. Gusto ko tuloy ma - try yun! Para ka daw talagang nakasakay sa roller coaster, kasi may 3D na palabas tas nakaupo ka sa umuuga - ugang upuan. Haha! 120 kasi eh, e tinitipid ko pera ko. Kaya next time na lang. :D

Dumating na din yung Daddy ni Sarah dun. Hinatid kami sa sakayan ng bus sa labas ng mall. May pupuntahan pa kasi yung Mommy at Daddy nya kaya dalawa na lang kaming uuwi. Lahat ng madaan saming bus, puro puno. Eh nainip na kami. Kaya kahit puno, sumakay na rin kami. Buti nga si Sarah, nakahanap agad ng mauupuan. Eh ako? Sa Greenhills pa ko nakaupo! Bwiset! Pero buti nalang magkatabi kami ni Sarah. Tapos ang lamig pa dun sa pwesto ko dahil sa aircon. Hehe. Ayun. Ang tagal ng byahe namin! Traffic kasi.

Pagbaba namin ng Tikling, sumakay na rin kami ng jeep. Tanay sinakyan namin para di na ko magtatricycle. Nung bumaba na si Sarah ng jeep, ayun, ako na lang mag - isa. Ganun pala feeling ng mag - isa lang bumabyahe ng gabi, kakatakot. Haha.

Pagdating ko sa bahay, nagbihis agad ako, tapos higa agad! Grabe eh, sakit ng legs ko, at sobrang pagod. Di na nga ako nag - hapunan eh. Higa talaga kagad. Tapos maaga rin ako natulog.

_________________________________________

Ngayong araw, fiesta ng Antipolo. Di ako makakakain sa mga bahay - bahay. Magrereview pa kasi ako. Tapos may practice pa ko sa Hotbutt mamayang gabi. Wooooh! Kaya ko to!

0 lovely notes